Sunday, February 7, 2010

Paglisan

Paglisan
~Adelia Aliwalas~

I
“Kuya Chico nawawala cellphone ko!”

sa pagtagal ng panahon
may mga bagay-bagay tayong mapagtatanto
na ang tanging permanente ay pagbabago
aasahan natin ang mga pagbabago ay
maaaring positibo at negatibong pagbabago.

ang pagkawala ng taong importante sa atin ay
maihahalintulad natin sa isang cellphone.
Kung isa kang dukha maaaring alam mo ang pakiramdam na ganito.
Sa mga taong maalwan, marahil ang sentimyento ng bagay na nawala ang kanilang inaalala. Sa pagkawala nito, iniisip mong andyan lang siya at di mo lang makita. Kasi aakalain nating di natin sinasadyang mabitawan o mailagay sa tamang lugar. Ngunit kung di mo na ito mahanap, mararamdaman mong malungkot at di mo kayang wala ito. Kasi dito ka masaya. Siya lang ang bagay na nagbibigay at walang hinihintay na kapalit. Kung kaya dapat ay iningatan mo siya na di makuha ng iba kasi kung wala na siya at wala ka na ring mahanap na katulad niya. Masasabi mo nalang na:

“wag kang masanay sa mga bagay na hindi mo naman kailangan ko sa iyong buhay”

-B.O

magbabago ang pananaw mo sa mga taong ayaw mo ng pagkatiwalaan.

II
“Nang-harvat ka na namang Bakla ka!”

Sa isang private room sa ospital ng Makati.

Lolo Macoy: sa pagtanda mo apo, maiintindihan mo ang sinasabi
ko.

Bogart: ano ho ‘lo? (nagbabalat ng mangga)

Lolo Macoy: magbasa ka ng pocketbooks malalaman mo. (tatawa)

Bogart: lolo naman eh, niloloko nyo ‘ko eh. (iiling)

Lolo Macoy: Sa mga taong makitid ang utak at limitado ang
pag-iisip sa mga mata nila masama ang pagiging bakla, sa tingin nila isa yung malalang sakit na nakakahawa.

Bogart: (sniffs) masakit man ‘lo, tinatanggap ko ang kanilang mga kritisismo sa atin. Masakit man wala akong magagawa. Biniyayaan sila ng Diyos na mag-isip kaya lang ‘di nila ito nagagamit sa tama.

Lolo Macoy: kung tatanungin ang mga taong sinasabi mo kung bakit ka ganyan? Syempre isasagot nilang may deperensya ka, kasi sa ilusyon mong babae ka. Kung tinanong mo naman ang mga ito kung alam nila ang pakiramdam na babae kang tunay, natural isasagot nilang hindi. E, Sila ang mga tanga! Hindi pala nila alam ang pakiramdam na maging isang tunay na babae. Hinuhusgahan ka nila ngunit di nila alam ang pakiramdam ng inaapi at sinasaktan sa aspeto ng pag-iisip at pagdaramdam. Kanya-kanyang trip to. Kaya walang pakialaman.

Bogart: Lolo talaga, may trip2x pang nalalaman. Pero tama ka ‘lo. Kagaya ko lang ang dahon na nahuhulog sa sa sanga ng puno. Marami ang nakakakita nito ngunit kaunti lang ang nakakaintindi kung bakit nahuhulog. Kung sino ang napagod. Kung sanga nga ba ang napagod sa kahahawak sa dahon o yung dahon mismo ang humiwalay dahil sa nagsawa na ito sa ka-uugoy nito sa sanga kaya ayaw na nito manatili sa kanyang kinaroroonan.

To be continued>>>

mahal kasi kita

Dear Julio Angelito De la Vega,
nareceive ko yung email mo sken... actually di ako "LOVE GURU" or Expert pero may mga bagay-bagay din akong magagamit mo sa iyong panliligaw kay Kathleen... sabi mo nga... 2nd class syang tipo ng chick... pagkakaalam ko.. ang 1st class chicks gaya nina Angel locsin, Cristine Reyes pti yung CRUSH kong si Lyka Alba.... (actually mahal ko na.. nkakatakot nga lang.. bka di nya ako masalo... kasi nga 1st class... walang pag-asa mukha ko... kung kamukha mo ako.. pakamatay kna...)
ito ang mga istilo sa panliligaw>>>
1.) sabi mo nagpapapansin ka sa kanya tuwing NSTP subject nyo at umaakyat ka sa puno para mapansin ka.... please lang... itigil mo yan... kung nkikita lang kita... ako na mismo ang mahihiya para sayo... nagmumukha kang unggoy...
2.) pag naglalakad kam pasimple ka lang.. at biglang mag-iwan ng palaisipan sa kanyang utak...
" mahal kita, bagay tayong dalawa. pero pagod na ako, maghapon kang tumatakbo sa isip ko"
3.) haranahin mo sya, kya lang kailangan mong kuntsabahin ang tatay nya, sa hirap ng buhay ngayon walang taong tatanggi sa pera, bigyan mo ng 500 ok n yan. pra hindi ka mahabol ng itak.
tapos kantahin ang "Close to you by Carpenters"
4.) pero kung mahirap talaga o kaya ayaw nyang maniwala sayong seryoso ka ito gawin mo. tiyak pasado!
***magtatag ng isang grupong naaayon ang lahat sa batas mo at tawagin itong "MAHAL KITA partylist"... itaas ang bandera at magrally sa gitna ng PLAZA sabay sigaw ng " MAHAL KITA WAG KANG TANGA!!!"
5.) at sa huli.. kung may problema ka sa mukha mo.. kung may mga pimples man... ito ang mga tips
*kumuha ng petrolyo at ibuhos sa mukha at silaban gamit ang posporo
*ipahid sa mukha ang unang pinagreglahan (me regla kba angelito?)
*wag kumain ng mani (para di dumami)
*at panghuling tips... ihampas sa pader ang ulo kasi wala namang utak yan... wala knang pag-asa!!!
***nabanggit mong nagseselos ka kapag may kasama syang iba.. Normal ang selos kung may dapat pag selosan!!!***