Sunday, December 20, 2009

Naka-imbento na rin sila sa wakas...!!!







pwede kna pumasok sa skwela na meron nito.. feeling smart kna kxe lasing ka.. sarap pa... astig talaga ng RED HORSE.... XD

kelan kya sila makaka gawa ng San Miguel Beer para kay ERPATS?

Sunday, September 6, 2009

Wednesday, August 19, 2009

Anak ng Kangkong!!!


Isang katotohanan sa buhay na lahat ng bagay ay masisira, lahat ng itinatayong gusali ay mawawasak at lahat ng tao'y mawawala. kahit sa ating pagkilos ay may naghihiwalay dahil sa pangangailangan ng panahon. at sa sense of impermanence ng bagay-bagay.



"We give in Sometimes"
-Up Dharma Down-

sa mabibigat mang sitwasyon bumibigay din pati puso natin. Pero kung magpapatiwakal ka kawawa ka, di mo mararanasan ang sarap ng nalampasan mo ang kinakaharap mong problema. Oo, Alam ko ang pakiramdam ng wasak ang buhay. kasi kung wala kang pinoproblema. Abnormal ka! Autistic! kasi ang buhay parang Program sa Computer yan, either i-solve mo ang problema o gumawa ka ng solusyon, ganun lang ka-simple yun.

pero sa tingin ko. kung tungkol lang naman sa kulungkutan ng buhay pag-uusapan natin maaaring ganito;

"ang buhay ay parang solitaryo, success or failed. wala kang mapapala kasi palipas oras lang yan. gaya ng buhay mo, YOU'RE BORN, YOU LIVE, YOU LEARN, YOU DIE.. ganun kasama ang Diyos . parang torture kung iisipin, dahil maaalala mo palagi ang mga lungkot na naranasan mo.


"May Utak ako, pinili ko lang maging Bobo"
-Bob Ong-


Sa pag-aaral, dapat magseryoso ka pero wag naman yung tipong mamumutla ka sa sobrang pagbabasa. DOTA naman tayo paminsan-minsan.

Okay lang naman kung di mo tapusin pag-aaral mo o kaya'y di ka magtapos. Yun kung di ka kumakain, di ka magpapatayo ng bahay, di ka pumupusta kay PACQUIAO. pero lam ko kailangan mo to sa buhay. kaya ngayon palang, basahin mo na kwaderno mo para sa recitation mo bukas. kasi ikakahiya mo sarili mo pag nakita mo yung classmates mong nakasakay ng FERRARI, alipures ni Bob Ong, naglalakad ng may "Chihuahua" tapos ikaw napabalita lang sa TV. " LASING MAY NAKAINITAN, NANAKSAK! 3 PATAY! sino ba naman matutuwa sayo nun?! tapos yung iyakin nyong classmate na si PEPE Champion ng Boxing?! Adik ka! Adik agen!

dahil sa pag-papatuloy mo sa unibersidad, di puro impormasyon ang malalaman mo. aaralin din nyo ang essence ng pag-inom, yosi, pakikipag-usap sa abnoy pati na rin SEX...

sana pumasok sa kukuti mo mga sinasabi ko para naiintindihan mo sila GARY GRANADA at BOB ONG....



"walang taong manhid, di lang talaga niya maintindihan ang nais mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin"
-BOB ONG"

kung kabilang ka sa mga taong malalim mag-isip, marahil makakaramdam ka ng "URGING HORMONES" este "PANIBUGHO" ay mali!!!! PAG-IBIG pala!!!
at hindi puro bagamundong pagnanais. Sa larangang ito, matututo kang magpakamatay kahit alam mong tanga lang gumagawa nito tapos lalaslasin mo yung braso mo yung tipong "EPIDERMIS" lang yung na-damage... Ano pa mang kabaduyan yang ginagawa mo, alam ko at alam mong seryoso ka dito....


pag magmahal ka... piliin mo yung nagpapasaya sayo at masayang kapiling ka niya... dahil kung hindi sya masaya sayo... marahil ay ka-mukha kita... "hahaha.... loko lang"
ito na talaga... dahil kung di sya masaya sayo.. cguradong di ka nya mahal at may mahal syang iba... pakawalan mo na.. kaw rin naman magsisisi sa bandang huli...

kung sasabihin ko sayong piliin mo yung mabait, maaasahan sa bahay tsaka maganda.. OLD SCOOL na to.. ito yung bago... pumili ka sa mga barkada mong magaganda.... sa pagtagal ng panahon.. kahit mawala yung tinatawag na pag-ibig... kaibigan pa rin tingin mo sa kanya....


kung may mahanap ka mang bago... wag mong sabihing siya na ang pakakasalan mo... ANAK NG KANGKONG.... pustahan tayo maraming beses mo na yan sinabi sa barkada mo... bigyan lang kita ng 3 linggo... lalapit ka sa barkada mong humahagulgol.. at papaluin ka pa niyan ng MANILA PAPER sabay sabing PAKYU JUN PYO!!!


ISA PONG PAALALA
  • mag-isip bago gumawa ng desisyon.. baka sa huli ikaw ang mag-sisi

Saturday, August 15, 2009

Tips para sagutin ka ng Crush mo

Dear Juan Ekis Jun 4, '09 9:34 AM
by Genesis for everyone
Hindi ko ito katha,hindi rin nasabi sakin ng malapit kong kaibigan (na nag-share) nito sakin kung sino ang may akda ,lamang ay galing sa Facebook.Nagustuhan ko ito ng nabasa ko, ewan ko lang kayo ^^

--------------------------

Dear Juan Ekis,Matagal ko na pong nililigawan itong ramp model na stage actress na nakilala ko recently sa isang party.
Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.Hingi lang po ako ng advice.
Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba siya ng tula ? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? She is the one.

Bartolomeat eto ang kanyang reply..

Bartolome,Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na uubra yang siopao at kalachuci mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Ano’ng era ka ba pinanganak?Pero don’t worry. It’s not too late. May pag-asa ka pa.

Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa’yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na natin, iyon na lang talaga ang pag-asa mo.

Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo ‘to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa’yo. Mga medyo more than your usual regalong panligaw:

1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box—yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na “Omega 8.” Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: “because you’re good for my heart.”

2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isula mo: “I miss hanging out with you.”

3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, “Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.”

4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung “with Omega 8.” Hindi na siya magtatanong kung bakit.

5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, “natunaw na kakatitig sa’yo.”

6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: “Walang kulay ang buhay kung wala ka.”

7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.

8. Itext mo siya ng: “Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!”

9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo “para pag nagkabanggaan ang puso natin.”

10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: “Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa’kin.”

Pag hindi ka pa niyan sinagot, ewan ko na lang.

Monday, July 20, 2009

Tips Para Di Makatulog Sa Gabi

Tips:

nabasa ko lang to sa isang thread sa BP. kaya napag tripan kong isulat. sana matulungan ko kayo.

1. Sa labas ka ng bahay humiga
at hayaang gawing airport ng mga lamok ang katawan mo...
2. makipag habuLan at makipag sampalan sa mga baliw sa lugar nio. . .
3. maGbIlanG ng pakO na gInamiT sa bahaY...
4. Step1: Mag latag nang mga bubog sa ilalim ng puno
Step2: Umakyat sa puno
Step3: Mag hanap ng sanga na pedeng pag pahingahan...

siguradong matatakot ka matulog. haha

5. Subukan mo tuma3 ng Nkatayo.. ndi ka makaka2Log.. ^^ hahahhaha
6. gaYahIn anG dasaL nG mUsLIM
7. maGitaRa...

gamIt anG paa...
8. magipon ng isang baldeng lamok at pakawalan s loob ng kwarto pag inaantok k n.. Laughing


at ito talaga ang epektib....

9. laslas tapos pigaan mo ng kalamansi...

prang ibon adarna lang...

Thursday, July 16, 2009

P.O.T.A.H

pota........



bakit ganun?


hinihintay lang nila akong magkamali....

Sunday, July 5, 2009

kung ayaw mo na sa akin

ang mga bagay-bagay ay may sense of impermanence....

kagaya ng mga bato, salamin at gusali...

nadudurog sa pangangailangan ng panahon..

kagaya ng nararanasan natin, maraming naghihiwalay sa ating mga pagkilos....



ngunit tlgang ganun...



kung ayaw nya akong tanggapin..

wla na tayong magagawa...


.....

Friday, June 26, 2009

"We give in Sometimes"

OO....


naging gago sa taong nagmahal sa akin ng totoo ng wlang hinihintay na kapalit.. na tanging pagmamahal lng ang hinahangad.. ang maramdaman niyang importante sya sa akin.. at ang higit sa lahat.. ang hindi sya umiiyak... dahil ako na rin ang nagsabi sa kanya na kapag hinangad mo ang isang simpleng bagay.. mkukuha mo ang mga bagay na hindi mo inaasahang dumating... ang mga positibong ekspektasyon at hindi puro salubsob ang nadarama...

Oo.. gago ako... hindi ko manlang inisip ano ang pakiramdam nya kapag nangyari sa kanya ito..

pag malaman nyang me iba ako.. alam kong "pakyu" sasabihin nya at iiyak... pero anong gagawin ko.. pinasok ko ang kaguluhang to na ako lang ang nakakaalam.. at tiyak ako lang din ang makakasagot ng tanong dito sa utak ko...





isang pagkukunwari... kpag naglalapat na ang aming mga labi..
nahihirapan ako sa bawat saglit na kayakap ko sya...

dahil alam kong mabigat ang pinapasan ko..

at di ko namalayan namutawi sa labi ko ang mga salitang to

"sorry... di ko sinasadya.. marahil naging tanga ako sa panahong iyon"

at inakala nyang nag'sorry ako dahil sa naging naughty ako sa kanya...

at umurong bigla ang aking dila.. wla na akong nasabing salita...


"There are some words spoken that can never be taken back and there are some words that will never be forgotten.it is only with the heart that one can see rightly,
what is essential is invisible to the eye"



End of Line

As he embrace death
Tears are falling
Our lips were tied in Silence
A Morbid desire obliterates your existence

When escaped from Monotonous reality of life
Every scar of our failing Hearts
Shatters the Rhythm of our pace
Were outrageously stunned by our Qualms

Every note delivered
Words are still unspoken
When refuse to dwell from Autism
He welcomes the Sacred Gate of Heaven

Never heard your Sentimental Moment
‘Till you laid to Rest
And already lyrically invisible
You’re stuck in the Holy ground

But time has way of Healing
Or so they say so why we’re left here to cry
But soon we’ll gonna face the sickle of Eternal sleep
And well rest in peace, some will reminisce.